Kamakailan lamang ay napabalita ang pagkamatay ng sikat na actor/komedyante sa Hollywood, si Robin Williams. Akala ko namatay siya dahil sa sakit, pero ayon sa mga article na nabasa ko, hinihinalang nagpakamatay ito dahil sa matinding depression. Nakakalungkot.
Sa mga tulad ni Robin Williams na nakagawa na ng pangalan sa mundo, maaari sanang maging inspirasyon pa sya para sa maraming tao. Sayang. Sana nalaman niyang hindi sapat ang depresyon para tapusin ang buhay.
Nakakalungkot na ang dami ng mga kaso ng suicide ngayon. Dahil sa matinding kahirapan, depression, rejection o pain. Akala nila wala ng pag-asa. Gusto nilang gawan ng paraan yung hirap ng buhay, kaya napapagod sila at sumusuko. Parang ang dali para sa atin na tapusin yung buhay natin. Hindi kasi natin pinaghirapan. Pinahiram lang kasi. Pero di ba mas dapat nga natin itong alagaan at ingatan? Kasi pinahiram lang satin ni Lord.
Nung isang gabi lang ay grabe din ang lungkot ko. Hindi ko ma-express yung kalungkutan na nararamdaman ko. Kulang ang luha at sipon! Hindi ko kasi alam kung paano ako makakasurvive sa mga susunod na araw. Kasi 200+ na lang yung pera ko, Monday pa lang nun.
Naiisip ko na bakit ganun ang Diyos? Hindi ba Nya pinagpapala ang mga anak Niya? Madamot ba Siya? Hindi ba Niya alam kung ano yung mga kailangan ko? Puro negatibo ang naiisip ko. At ibinuhos ko yun lahat sa Kanya. Sinabi ko sa Diyos lahat ng sama ng loob ko sa buhay, lahat ng bigat ng puso ko, lahat ng kalungkutang nararamdaman ko.
Gusto kong solusyunan yung problema ko. Hindi ko alam ang gagawin, kaya lumapit ako sa matatag. Dun sa alam kong may isasagot sakin.
Ako: Lord, bakit ang hirap ng buhay? (huhubels! 😥 )
Lord: Wag mong problemahin ang hirap ng buhay. Hindi mo kayang solusyunan yun. Hindi mo yun kontrolado. Ako ang bahala dun. Pero ikaw, problemahin mo yung kaya mong kontrolin. Galingan mo sa trabaho. Yun lang ang sakop mo.
Oo nga no. Hindi nga pala kaya ng powers ko na ayusin o baguhin ang estado ng buhay ko, o ang kahit anong problema sa mundo. Si Lord lang ang may kaya. Nung in-impress sakin ni Lord yang mga yan, tumahan na ako. Napayapa ang puso ko. Problema ni Lord kung paano tayo pagpapalain, wag mo na ding problemahin!
Kapag nahihirapan na tayo, parang ang dali-daling sabihin na, “Bigti na!” “Suko na!” Kaya nga kailangan natin ang Diyos araw-araw. Kasi we cannot really survive without Him.
Kapag iniasa mo ang buhay mo sa mga bagay o tao dito sa mundo, mapapagod at susuko ka talaga sa buhay. Kapag nawala lahat sayo, hindi nga malayong mag-bigti ka na. Kaya nga simulan mo nang i-angkla ang buhay mo sa Diyos! Kasi kapag sa Kanya ka dumepende, hindi ka matitinag ng anumang depresyon.
Ang bagyo nga napapakalma ni Lord, yang problema mo pa kaya? Matthew 8:23-27
Sa tuwing nasa gitna ka ng bagyo (problema, kalungkutan, kahirapan, etc.), kay Lord ka magtiwala. Wag dun sa mga taong mahal mo o malapit sayo, o sa mga bagay na meron ka. Kasi lahat sila mawawala sayo. Everything in this world is temporary. Kapag nawala ang lahat ng magagandang bagay sa buhay mo, saka mo lang mare-realize na si Lord pala ang kailangan mo.
Bakit kay Lord ka dapat umasa? Kasi yung mga taong akala mo na makakatulong sayo, nakakaranas din ng bagyong tulad ng pinagdadaanan mo. At yung bagyong parehas niyong dinaranas, si Lord lang ang makakapagpakalma. Siya lang ang may control. Ang pag-resolba sa problema ng buhay ay sagot ni Lord, at ang sa atin ay ang pagtitiwala sa Kanya.
Okay lang maubos ang laman ng wallet mo. Okay lang kung i-reject ka ng lahat ng tao. Okay lang kung malungkot o depressed ka. Pero wag kang magbibigti ha! YOU ARE LOVED!
“It’s only when we have NOTHING that we finally begin to realize how much God is truly EVERYTHING.” 😉
You must be logged in to post a comment.