Posted in Encouragements, Faith, Inspirations

YOLO (You Only Live Once)

It’s been a while, blogging world! Hahaha! Nakakamiss magsulat! 🙂 Sana na-miss niyo din ako! Hehe

There are so many things that is on my mind. Maraming times na tulala talaga ako kakaisip sa kung ano-ano lang. Pero yung realizations ko lately about life, medyo mabigat siya, bes.

One of my funny friends died last October 26, 2017. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. Feeling ko nananaginip lang ako. Alam mo yun, yung parang ayaw mo tanggapin yung pangyayari kaya parang nire-reject ng utak mo na hindi yun totoo. Feeling ko imagination ko lang yun, wild imagination! Pero hindi e. Nakita ko yung tarpaulin niya sa bahay nila. Hindi ng graduation o birthday, kundi date ng kapanganakan at kamatayan niya. Ang sakit. Napatanong ako kung nasulit na ba niya yung buhay niya. 23 years old? Masusulit niya ba yun?

Napaka-iksi ng buhay. Pero pina-realize sa akin ni Lord na wala yan sa haba ng stay mo dito sa mundo, kundi yung value ng stay mo dito. Gaano kalaki yung na-i-ambag mo sa buhay ng pamilya mo, mga kaibigan mo, mga officemates mo, o sa mga taong hindi mo talaga kilala? Meron nga ba? O tulad ka lang din ng ibang tao na nabubuhay para sa sarili lamang?

Dahil sa mga thoughts na yan, nagkaroon ako ng takot sa puso ko. Hindi takot na mamatay. Kundi takot na mamatay nang walang kinapuntahan yung buhay ko. Nagka-silbi ba yung buhay ko? Kahit minsan ba, meron bang tao na natuwa sa existence ko? Merong bang taong nagpapasalamat na nakilala niya ako? Meron bang hindi makaka-move on pag nawala ako? Those thoughts, bes. Those thoughts are killing me.

Tapos one time, napansin ko yung marumi kong running shoes. Putikan at maraming alikabok. Ginawa ang sapatos para protektahan ang mga paa natin. At yung running shoes ko ay talagang nagagamit ko sa pagtakbo. Malaking tulong siya sa mga paa ko. Napasabi akong, “Buti pa sya, napapamuhay niya yung purpose niya. Ako kaya?

Natanong mo na ba sa sarili mo yun? Ano ba talagang purpose ng buhay ko? Bakit parang wala naman akong patutunguhan? Baka kasi di mo lang tinitingnan mabuti. O baka nagbubulag-bulagan ka lang? Baka alam mo naman talaga kung anong purpose mo, ayaw mo lang ipamuhay yun.

Bes, isa lang ang buhay mo. Isa lang ang “ikaw” dito sa mundo. If you’re not going to live your purpose, no one will live for that. Kaya dapat ipamuhay mo. Kahit pagod ka ng mabuhay, mabuhay ka. Wala kang choice, hindi mo pa expiration date. Wag mong itapon agad yung hindi pa expired.

Nalulungkot pa din ako sa pagkawala ng kaibigan ko. Lalo kilala ko siya bilang masayahin at nagbibigay saya sa ibang tao. Pero panatag na ako, kasi alam kong may plano si Lord sa buhay niya. At sayo din, bes. May plano si Lord sayo.

Siguro mukhang malabo pa kung anong purpose mo, pero wag kang mag-alala. Sigurado akong may purpose yung existence mo. Baka ang purpose mo ay maging mabuting kaibigan, mabuting magulang, mabuting anak, mabuting empleyado, mabuting mamamayan. At isa ka sa maging ehemplo sa mga susunod na henerasyon kung saan mabubuhay ang mga susunod na presidente o maimpluwensyang tao.

Mahalaga ang buhay mo, kahit gaano man ito kagulo o karumi. Wag mong sayangin. Sabi nga ng millenials, “You only live once“. Pero wag mo itong i-take as “gagawin ko na lahat ng gusto ko kasi isang beses lang naman ako mabubuhay“. Sana i-take mo ito as “gagawin ko ang best ko kasi ngayon lang ako mabubuhay“.

Mabuhay ka na parang laging may magandang naghihintay para sayo. Be excited and joyful! Your life is a blessing to someone else. 🙂

 

Advertisements
Posted in Blessings, Blog, Pag-ibig, Relationships

A Letter To the Man I Love

To the Man I Love,
(My Sweetheart, My Babe, My Mahal, My Snorlax,
Ramil Alanguilan Burbos)

First of all, I would like to greet you a Happy, Happy 25th Birthday! I know you don’t want to talk about your age, but let me remind you how blessed you are to reach that age. The stage of your life where immature things are not welcome anymore. (except cute ones from me 😛 )

Exactly 2 years ago, we are sitting in the rooftop of the house where we had our company outing in Batangas. We watched the stars as they twinkle above us and felt the breeze of the air as they embraced us. I can still recall the exact feeling that night. I can still remember the smile on your lips and the joy in your eyes as you stare at me. That was one of the most beautiful nights I’ve ever seen in my life.

First picture together. :)
First picture together.  =)

We both had a disastrous past. But God made us whole and complete in Him. We both know that His plans are better than our plans and His ways are higher than our ways. His dreams for us are better than our dreams, and His visions are far bigger than our visions. So please, let us give Him every burden, every pain, every anger, every disappointment that we could get from each other. We are not perfect, but we have the perfect God that can turn ugly things into beautiful masterpieces.

I am sorry if tough times came our way. I am sorry if most of the time I easily get stressed and affected by little things. I am sorry if there are times that I made you feel less important and not wanted. I am sorry for being hot/hard headed. I am sorry for all the harsh words I said to you. I am sorry for not being sensitive enough with how you feel. I am sorry for not being the best girlfriend in the world. I am sorry for all the things I did to you and for the things I never did for you. Forgive me, Babe.

I know that life will never be perfect. That our relationship will not be alright every time. That sweet moments are not always there. But I trust your love for me because I know you have received the best love that served as the standard of love (God’s love). I’m sure you can also give that kind of love to me.

We fight. We yell. We get angry. We get hurt. We fail. But despite of our shortcomings, God showed us how He can use us for His glory. I want to thank Him for giving me not the man of my dreams, because that man doesn’t exist. He made me see the beauty of waiting not just for the groom-to-be, but for the best man I deserve.

Thank you, Sweetheart. For always telling me that you love me. For showing me that what you feel for me is true. For proving me that your intentions are pure. Thank you for the visions and dreams you have for/with me. Let us make sure that God is with us every step of the way. Let us always choose to love because not every day is a happy day.

Maybe this is the longest birthday greeting that you ever had as of now. Please be mindful that this is just the beginning. You will receive messages longer than this because forever is not enough for me to say how much I love you. I am happy because I know God will not be jealous if I will spend the rest of my life with the both you. I am sure He will be happier if I will choose to.

First time ko sa bahay niyo sa Pangasinan. hehe
First time ko sa bahay niyo sa Pangasinan. hehe

I pray that God will bless you more than you can ever imagine. I pray that He will use you more than you ever wanted. I pray that He will give you His heart for the people. I pray that He will not just help you to be a great leader, but a greater servant. I pray that He will be with you all the days of your life. You are blessed. You are favored. You are loved. You are complete. Because you are with God and He is in you.

To the man I love next to God, Happy 25th Birthday!

I love you so much, Babe!
More birthdays to come and more of God!!! 🙂

Love,
(Your Sweetheart, Your Babe, Your Mahal, Your Psyduck,
Yours Only)
Ruth Zerah Gutierrez Ibay

Posted in Blog, Encouragements

KAYA MO!

“Basta’t kasama Kita, lahat magagawa!”
Basta’t Kasama Kita

Pamilyar ka ba sa awiting yan? Naalala ko yan habang nagp-pray ako kagabi. Inaamin kong hindi ko naman talaga kaya kung hindi ko Siya kasama. Teka, sino ba “Siya”? Syempre si Lord. Siya lang naman ang makakagawa ng LAHAT at ng mga imposibleng bagay.

Alam mo, habang nakikilala ko ang Panginoon, mas nakikilala ko ang sarili ko. Ipinapakita Niya sa akin yung mga kahinaan ko, yung mga kakayahan ko, at kung gaano kalaki at karami yung mga pwede pa Niyang gawin sa buhay ko. At naniniwala ako na kapag kinilala mo pa Siya, mas makikilala mo din ang sarili mo.

Yung mga akala kong hindi ko kayang gawin, nagawa ko nung nakilala ko si Lord. Tumanggap ng pagkakamali, magpakumbaba, magmahal ng kaaway, magpatawad, at maraming marami pang iba.

Naniniwala ako na kung nasaan ka man ngayon, hindi pa ‘yan ang maximum level ng buhay mo. May ia-angat pa yan. May iga-ganda pa yan. Bakit ko nasabi? E kasi buhay ka pa! Di’ba kapag may namamatay sinasabi nila na, “Tapos na kasi ang misyon nya sa mundo kaya kinuha na sya ni Lord.” Dahil buhay ka pa hanggang ngayon at binabasa mo pa ‘tong blog ko, ibig sabihin hindi ka hanggang diyan lang.

Yang posisyon mo sa opisina, may ile-level up pa yan! Yang sahod mo, may ii-increase pa yan! Dyan sa trabaho mo, may iga-galing ka pa! Yang relationship mo sa family mo, sa kaibigan mo, o sa asawa o partner mo, may ia-ayos pa yan! Yang mukha mo, may iga-ganda pa yan! 😀

Kung naka-relate ka sa mga nabanggit, angkinin mo yan! At siguradong makukuha mo yun! 🙂

Sabi sa Bible, “I can do all things through Christ who strengthens me.” (Philippians 4:13) Hindi yan isinulat ni Paul para lang sa sarili niya o dahil pinagdaanan niya. Ni-reveal sa kanya yan ni Lord para din sayo. Kasi alam ni God na darating yung time na magdo-doubt ka sa sarili mo. At gusto Niyang panghawakan mo yan! 🙂

Ipinapasabi ni Lord na kaya mo yan! Basta mag-pasama ka lang sa Kanya. Kasi sabi sa verse, una, kaya mo daw gawin ang lahat ng bagay. Pero pangalawa, sa tulong ni Jesus syempre. At pangatlo, kasi ise-strengthen ka Niya! Hindi Niya ma-madyikin lang yun. Ipapakita Niya talaga sayo na kaya mo basta kasama mo Siya!

Kaya anuman yang pinagdadaanan mo, yakang-yaka mo yan, kapatid! Lakas ba naman ng Backer mo e! 😉

KAYA MO!!!!!! 🙂

Posted in Blog, Faith, Inspirations

MAMAW KA!

“Greatness comes from humility.”

So ironic, but that’s what the Bible says: “ 11 The greatest among you will be your servant. 12 For those who exalt themselves will be humbled, and those who humble themselves will be exalted.” – Matthew 23:11-12

“Bakit ganun??? Sinapak niya naman, talo pa din!!!” – Vice Ganda

Alam naman siguro nating lahat ang nangyari sa laban nila Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. Maaaring hanggang ngayon ay yang linya din ni Vice ang hugot mo. At malaki ang tsansa na badtrip ka din dahil sa resulta. Iniisip ko kung anong nararamdaman ni Pacman nung malaman niyang natalo pala sya. Sa dami ng suntok at lakas na ibinigay niya, ang alam niya sa sarili niya, panalo siya. How disappointing it is to know that you lose a fight?

pacquiao

Ang sakit siguro malaman na talo ka kahit ibinigay mo ang lahat no? But I realized that greatness is not measured on how many times you have won a fight or how much money you make. Sa totoo lang, hindi mo naman madadala lahat ng meron ka ngayon dito sa mundo kapag namatay ka. Kahit ilagay ka pa sa pinakamahal na kabaong, di mo naman na yun mapapakinabangan.

Kaya nga bilib ako kay Pacquiao, kasi ayaw niyang mangyari kay Mayweather yun. Na mag-ipon siya ng kayamanan sa mundo at masayang lang kapag nawala na sya. Gusto niyang i-share ang salita ng Diyos kay Floyd. Walang halong ka-plastikan. Purong puso lang. Kahit alam niyang pineperahan lang siya ni Mayweather, hindi nawala yung desire niya na ipakilala si Lord sa katunggali. Ikaw ba ganun din? Naisip mo na bang, “Gusto kong makilala ni —— si Lord, kasi mahal siya ng Panginoon, kaya mahal ko din siya.” O kaya “Share-an ko kaya si Ano, nang bumait naman.”

Buti pa nga si Mayweather, mapagmahal sa kaaway. Grabe yumakap e. Ni hindi mo nga kayang tingnan yung taong ayaw mo, yakap pa kaya?!

Dati pa naman talagang magaling si Manny Pacquiao. Eight-division world champion ba naman e! Pero napakalaki ng pagbabago sa buhay niya nung makilala niya si Lord. Lumalaban siya hindi na lang para sa bayan, kundi para sa Panginoon.

Oo, hindi nga siya nanalo sa boxing fight na yun, pero sa puso ng mga taong nakanood ng laban, kahit hindi mga Pilipino, napabilib niya. He won the hearts of the people. Tingin ko, masaya si Manny na malaman yun. At siguradong napasaya nya ang Panginoon.

Isa pang nakilala ko na sikat at excellent sa ginagawa niya ay si Stephen Curry ng Golden State Warriors (NBA). Ang taong bawal mong iwanan sa tres kasi patay kang bata ka. Siguradong pasok. Kelan ko lang nalaman na Christian din pala siya. Kaya pala every time na makaka-shoot siya, tumuturo siya sa itaas. Nabasa ko sa isang article na kaya niya ginagawa yun ay bilang declaration na ibinibigay niya kay Lord ang glory and honor.

First and foremost, I’d like to thank my Lord and Savior Jesus Christ for blessing me with the talents to play this game and with a family to support me day in and day out. I can’t say enough how important my faith is to how I play the game and to who I am. I am just blessed. I am thankful for where I am.” – Stephen Curry

stephencurry

Nakakatuwang isipin na ang 2014-2015 MVP ng National Basketball Association ay follower ni Jesus. Tingin ko napakataas ng standards para maging MVP sa NBA. Ibig sabihin, magaling talaga si Stephen Curry. Syempre, si Lord ba naman ang kasama mo e!

Kahit hindi naman talaga kami magkakilala ni Steph, pakiramdam ko kasali ako sa tagumpay niya. Kasi magkapatid kami sa Panginoon. 😀 Nakakaproud ka, Bro! 😛

Sa inilabas na signature shoes ni Steph na gawa ng Under Armour, nakalagay ang life verse niya:

413
“I can do all things through Christ who strengthens me.” —- Philippians 4:13

Pero mas nakakaproud malaman na dahil sa faith niya, grabe yung impact ni Stephen sa teammates niya:

He’s probably one of the most humble superstars I’ve ever met,” said Warriors forward Harrison Barnes. “A lot of that is based on his faith. He’s a guy who not only talks it; he lives it. I think he garners a lot of respect in this locker room because of that.

Wow! A man who not just talks it, but lives it! Nakakainspire!

Tulad ni Manny Pacquiao at Stephen Curry, pwede naman palang maging magaling kahit humble ka. Trabaho mong ibaba ang sarili mo at trabaho ni Lord na itaas ka. Mas masarap naman na si Lord ang nagtataas sa’yo kaysa pinipilit mong itaas ang sarili mo kahit manapak ka na ng ibang tao.

Kapag nag-bless si Lord, wala yung sakit ng ulo. Walang stress. Pure blessing lang. Kaya siguro ganyan kalakas ang impact ni Manny at Stephen sa buhay ng maraming tao. Naiinggit ako. Banal na inggit. Gusto ko din maging excellent sa lahat ng ginagawa ko. Ayoko ng nag-su-survive lang. Gusto kong mag-excel. Buti na lang hindi yun imposible, kasi kasama ko si Lord para abutin ang mga pangarap na yun.

Kung gusto mong maging magaling, maging humble ka. Humility is the key to greatness. Hindi mo iniisip kung pabor ba sayo o hindi. Nagmumukha ka na bang tanga o kawawa. Hindi papayag si Lord maging kawawa ka. He will fight for you. He will bless you like no other. He will make you great. Basta maging humble ka before Him.

Your attitude, not your aptitude will determine your altitude.”
– Zig Ziglar

Gusto mong maging MAMAW? Be HUMBLE! 🙂

Posted in Blog, Encouragements, Pagsubok

Bigti Na!

Kamakailan lamang ay napabalita ang pagkamatay ng sikat na actor/komedyante sa Hollywood, si Robin Williams. Akala ko namatay siya dahil sa sakit, pero ayon sa mga article na nabasa ko, hinihinalang nagpakamatay ito dahil sa matinding depression. Nakakalungkot.

Sa mga tulad ni Robin Williams na nakagawa  na ng pangalan sa mundo, maaari sanang maging inspirasyon pa sya para sa maraming tao. Sayang. Sana nalaman niyang hindi sapat ang depresyon para tapusin ang buhay.

Nakakalungkot na ang dami ng mga kaso ng suicide ngayon. Dahil sa matinding kahirapan, depression, rejection o pain. Akala nila wala ng pag-asa. Gusto nilang gawan ng paraan yung hirap ng buhay, kaya napapagod sila at sumusuko. Parang ang dali para sa atin na tapusin yung buhay natin. Hindi kasi natin pinaghirapan. Pinahiram lang kasi. Pero di ba mas dapat nga natin itong alagaan at ingatan? Kasi pinahiram lang satin ni Lord.

Nung isang gabi lang ay grabe din ang lungkot ko. Hindi ko ma-express yung kalungkutan na nararamdaman ko. Kulang ang luha at sipon! Hindi ko kasi alam kung paano ako makakasurvive sa mga susunod na araw. Kasi 200+ na lang yung pera ko, Monday pa lang nun.

Naiisip ko na bakit ganun ang Diyos? Hindi ba Nya pinagpapala ang mga anak Niya? Madamot ba Siya? Hindi ba Niya alam kung ano yung mga kailangan ko? Puro negatibo ang naiisip ko. At ibinuhos ko yun lahat sa Kanya. Sinabi ko sa Diyos lahat ng sama ng loob ko sa buhay, lahat ng bigat ng puso ko, lahat ng kalungkutang nararamdaman ko.

Gusto kong solusyunan yung problema ko. Hindi ko alam ang gagawin, kaya lumapit ako sa matatag. Dun sa alam kong may isasagot sakin.

Ako: Lord, bakit ang hirap ng buhay? (huhubels! 😥 )

Lord: Wag mong problemahin ang hirap ng buhay. Hindi mo kayang solusyunan yun. Hindi mo yun kontrolado. Ako ang bahala dun. Pero ikaw, problemahin mo yung kaya mong kontrolin. Galingan mo sa trabaho. Yun lang ang sakop mo.

Oo nga no.  Hindi nga pala kaya ng powers ko na ayusin o baguhin ang estado ng buhay ko, o ang kahit anong problema sa mundo. Si Lord lang ang may kaya. Nung in-impress sakin ni Lord yang mga yan, tumahan na ako. Napayapa ang puso ko. Problema ni Lord kung paano tayo pagpapalain, wag mo na ding problemahin!

Kapag nahihirapan na tayo, parang ang dali-daling sabihin na, “Bigti na!” “Suko na!” Kaya nga kailangan natin ang Diyos araw-araw. Kasi we cannot really survive without Him.

Kapag iniasa mo ang buhay mo sa mga bagay o tao dito sa mundo, mapapagod at susuko ka talaga sa buhay. Kapag nawala lahat sayo, hindi nga malayong mag-bigti ka na. Kaya nga simulan mo nang i-angkla ang buhay mo sa Diyos! Kasi kapag sa Kanya ka dumepende, hindi ka matitinag ng anumang depresyon.

Ang bagyo nga napapakalma ni Lord, yang problema mo pa kaya? Matthew 8:23-27

"Pumayapa ka!" - ang sabi ni Lord sa bagyo at jan sa puso mo.
“Pumayapa ka!” – ang sabi ni Lord sa bagyo at jan sa puso mo.

Sa tuwing nasa gitna ka ng bagyo (problema, kalungkutan, kahirapan, etc.), kay Lord ka magtiwala. Wag dun sa mga taong mahal mo o malapit sayo, o sa mga bagay na meron ka. Kasi lahat sila mawawala sayo. Everything in this world is temporary. Kapag nawala ang lahat ng magagandang bagay sa buhay mo, saka mo lang mare-realize na si Lord pala ang kailangan mo.

Bakit kay Lord ka dapat umasa? Kasi yung mga taong akala mo na makakatulong sayo, nakakaranas din ng bagyong tulad ng pinagdadaanan mo. At yung bagyong parehas niyong dinaranas, si Lord lang ang makakapagpakalma. Siya lang ang may control.  Ang pag-resolba sa problema ng buhay ay sagot ni Lord, at ang sa atin ay ang pagtitiwala sa Kanya.

Okay lang maubos ang laman ng wallet mo. Okay lang kung i-reject ka ng lahat ng tao. Okay lang kung malungkot o depressed ka. Pero wag kang magbibigti ha! YOU ARE LOVED!

“It’s only when we have NOTHING that we finally begin to realize how much God is truly EVERYTHING.” 😉

Posted in Blog, Judgments, Spread Love

Bashers

Bash means “to strike hard and violently; to strike with a crushing blow; to abuse verbally”.

Saan madalas makita ang bashers? Sa social media? Sa comments? Sa reviews? Actually, sa kung saan-saan! Kahit saan ka tumingin, kahit saan ka pumunta, hindi mawawala ang bashers.

Bashers are people who used to meddle with other people’s affairs. In short, pakialamero/pakialamera. Wala ng ginawa kundi mag-comment sa buhay ng may buhay. Laging may nasasabi tungkol sa ibang tao. Walang nakikitang maganda, puro pangit lang. Kaya puro sarili niya lang ang nakikita e! 😛

May mga ganun pala talagang tao no? Ibinubuhos sa ibang tao ang galit sa mundo. Kaya kung maka-comment ng masasakit, wagas! Feeling nila lahat ng tao sa paligid nila, mali. Sila lang ang tama. Yung sinasabi lang nila ang totoo, yung sa ibang tao hindi.

Basher. Yung mga taong pakialamero/a, pero walang pakialam kung may masaktan sila. Basta masabi nila kung anong gusto nila. Basta mailabas nila kung anong saloobin nila. Ganern!

Isang uri ng basher ang taong nakikita ang mali ng iba, pero hindi ang mali niya:

"Why do you look at the speck of sawdust in your brother's eye and pay no attention to the plank in your own eye? - Matthew 7:3
“Why do you look at the speck of sawdust in your brother’s eye and pay no attention to the plank in your own eye? ”  – Matthew 7:3

May nabasa akong tanong doon sa Facebook page ni Pastor Ed Lapiz na nagsasabing, “Ano po ang stand nyo sa isang lingkod ng Diyos na may anak na tomboy na gumagawa ng di dapat, kagaya ng pag-sama ng babae sa kanilang bahay at nakikipag-relasyon sa kaparehas niyang babae rin? Ngunit ang lingkod ng Diyos na ito ay di parin inaamin na gumagawa ng di maganda ang anak niyang tomboy at pinagtatakpan pa ito. Ano po ba ang batas dito o ang batas ng Diyos tungkol dito? Ano po ang dapat gawin?”

At ang sagot ni Pastor Lapiz ay, “Personal issue ng pamilya nila yun. Hindi mo na kailangang kalkalin o problemahin. Kasi, ano ang gagawin mo sa ibang lingkod ng Diyos na ang asawa ay nambababae o nanlalalake? Ang anak ay drug addict o unwed mother? Ang kapatid ay prostitute o swindler? Ano ang gagawin mo sa lahat ng mga lingkod ng Diyos? Kakalkalin mo ang lahat ng mga baho at kapintasan o kakulangan ng buong angkan nila? Sino ang matitirang pwedeng maglingkod?”

Pati kasalanan pala bina-bash na din?!

Napaisip ako. “Teka, ano nga bang pakialam niya doon? Siya ba ang magdudusa sa kasalanan ng mga taong iyon?” Na-realize ko na sino ba tayo para magsabing,

“Ang pangit niya!”

“Ang panget ng boses niya, dapat di na sya kumakanta.”

“Hindi bagay sa kanya ang suot nya.”

“Dapat hindi niya ginagawa yan.”

“Demonic ang kanta niya. May apoy tsaka madilim, may voodoo ceremony sa video.”

“Mali siya.”

“Makasalanan siya! Hindi yan anak ng Diyos!”

Nakakaloka yung mga taong kung makapagsabing “mali” ang isang tao, na para bang sila ay hindi nagkakamali. Teka ha! Hindi ka perpekto! Pinapaalala ko lang! 😀

Pero alam niyo bang hindi lang sa Social Media merong mga bashers? May isa pa kong lugar na alam. Saan? Sa isang banal na gusali na kapag pumasok ka ay masusunog ka daw. C-H-U-R-C-H.

Oo tama ka ng binasa. Sa church nga. Doon maraming “righteous”. Marami doon ang “hindi nagkakamali”. Mga taong nagsasabi kung ano ang dapat at hindi mo dapat gawin. Mga taong “nagsasabi” pero hindi “gumagawa”.

Kaya siguro may mga taong kapag niyaya mong magsimba ay nagsasabing, “Ayoko. Baka masunog ako dun.” Seriously??? Nakakasunog ba ang pagpasok sa bahay-sambahan? Sa ganung mga sagot nila, hindi ba tayo nabo-bother?

Hindi ba natin naiisip na, “Baka may mali sa pakikitungo namin kaya ayaw nilang pumasok dito? Baka masyadong OA na kami sa pagiging banal? Baka natatakot silang baka husgahan namin sila? Baka akala nila perfect na kami kaya hindi na sila pwede dito?”

Hindi ko sinasabing lahat ng tao sa church ay “self-righteous”, ang sinasabi ko lang ay may mga ilang tao na ganun sa loob nun. Sa sobrang takot mahusgahan sila ng iba, inuunahan na nila ang panghuhusga.

Hindi yan Kristyano! Minsan lang magsimba.”

“Hindi nagtataas ng kamay o kaya pumapalakpak. Hindi yan nagpupuri sa Diyos.”

“Hindi pa nya tinatanggap si Hesus. Hindi pa kasi nagbabago ang buhay niya e. Ganun padin sya.”

WOW !!!

Alam niyo kung bakit walang karapatan ang mga tao para manghusga ng kapwa? Kasi panlabas na anyo lang ang nakikita natin. Actually, yung labas lang talaga ang tinitingnan natin. Pero si Lord kasi hindi.

“The Lord does not look at the things people look at. People look at the outward appearance, but the Lord  looks at the heart.” – 1 Samuel 16:7

Eto yung sinabi ng Lord kay Samuel nung akala niya si Eliab na yung pinili ng Diyos para maging Hari ng Israel. Akala niya si Eliab na yung i-aannoint niya, kasi matipuno at makisig. Maganda ang pangangatawan. Mukhang malakas. Bagay na bagay maging Hari. Pero hindi pala. Sa halip, ang patpatin at batang si David ang pinili ng Diyos para mamuno sa Israel.

Hindi ko ipe-pwera ang sarili ko sa pagiging “basher”, “self-righteous” o sa pagiging “mapanghusga”. Alam kong guilty din ako doon. Kaya nga sinusulat ko ito, para maalala kong hindi yun maganda. At walang mabuting idudulot yun hindi lang sa ibang tao, kundi mismong sa akin. Galing ang mga ito sa realizations ko at sa mga patuloy na itinuturo sa akin ng Panginoon.

God wants us to have a renewed mind. Gusto niyang iwanan natin yung mga pangit na ugaling nakasanayan natin. So if we claim that we are Christians, yes we should talk like Jesus, but we also need to walk like Him.

Ang problema kasi feeling natin “perfect” na tayo. Kaya ayaw nating sumama sa mga taong “makasalanan.”

“Ayokong sumama diyan. Baka mapagkamalan akong malandi kasi ang iksi nya mag-shorts.”

“Ayoko makipag-kaibigan diyan. Mahilig gumimik yan. Laging nasa bar.”

Sabi ng isang Christian rapper na si Andy Mineo sa kanta niyang Wild Things:

Welcome to the church in the wild
I live with dudes haven’t been to church in a while
I’ve chosen this lifestyle, you ever met my friends?
Porn stars, dope dealers, they like,
“Why you chill with them? I thought you were a Christian?”
Yeah I’m on that team
But I’m with them ‘cause my life’s the only Bible that they’ve ever seen.

Sabi ni Andy, sumasama siya sa mga taong hindi pa nararanasan mag-church o magbasa ng Bible, kasi yung buhay niya yung pwedeng  mag-represent sa pag-ibig ni Lord. Kasi binago siya ng Diyos. Kung hindi na siya sasama sa mga taong yun, paano pa nila makikita na nagbabago ng buhay ang Diyos?

We don’t have the right to condemn those “imperfect” people, parang kino-condemn mo na din yung sarili mo. I-kwento mo kung paano ka binago ng Diyos, hindi kung gaano kasama yung ginagawa nila. Help them to know Christ and how to build a relationship with Him, tulad ng nangyari sayo. You were a sinner before, but now you are redeemed.

God wants us to love those who are in need. Kaya nga tayo tinatawag na “anak ng Diyos” ,  for us to spread our Father’s love and grace. Just as Christ saved us, syempre gusto Niyang lahat ng tao ay maligtas din.

Drug pusher, prostitute, murderer, rapist, magnanakaw, sinungaling, masungit, madamot, o anumang uri ng tao. We are all sinners, kaya kailangan natin si Jesus Christ. We all need salvation.

“Christ died for this terrible heart
That’s why I wanna be where the wild things are”
– Andy Mineo

Namana ni Andy yung ganyang character kay Jesus:
(see Mark 2:16-17)

“When the teachers of the law who were Pharisees saw Him eating with the sinners and tax collectors, they asked His disciples: “Why does He eat with tax collectors and sinners?”
On hearing this, Jesus said to them, “It is not the healthy who need a doctor, but the sick. I have not come to call the righteous, but sinners.”

Kristyano ka, hindi Pharisee.  🙂

“Do not judge other people just because they sin differently than you.”
– Jarrid Wilson

 

Posted in Blog, Encouragements, Pagsubok

RELAX! Tara Swimming Muna!

Tag-ulan na, pero bakit ako nagyayayang mag-swimming? Ang totoo, wala naman ‘tong kinalaman sa summer o sa literal na pag-sswimming. Tungkol ito sa problema. Malayo ba? Teka, wag atat! Di pa ko tapos. 😛

Sa tuwing uuwi ako sa amin sa Bulacan, lagi na lang nag-aaway si Mama at Papa. Hindi ko alam kung tuwing nandun lang ba ako or every day talaga silang nag-aaway. Everytime nagsisigawan or nagsisinghalan sila sa harap ko, parang nadudurog yung puso ko. Sa sobrang dalas nilang magtalo, dumating ako sa point na ayoko ng umuwi tuwing weekend. Kasi na-sstress ako. Mas napapagod akong marinig yung away nila kaysa sa pagtatrabaho.

Nung nakaraang nakaraang Sabado, hindi ko na kinaya. Habang kumakain kami,  nagsasagutan sila. Napasabat ako at nasabi kong, “Tumigil na nga kayo! Nasa harap ng pagkain!”  Aba hindi pa rin tumigil. Nagsalita ulit ako, “Tama na! Nakakawalang gana!” Nagulat din ako sa sinabi ko, pero huminto sila. Tapos nagkwentuhan na kami na parang walang nangyari.

Sumunod na Sabado, ganun ulit. Hahaha! Wala kasing pera kaya mainit ang ulo ni Mama. Siguro kapag Nanay, ganun talaga. They are the worrier of the family. Sila kasi yung nag-bubudget. At dahil walang ibubudget, high blood si Madir. Ako naman, wala ring maibigay kasi wala pang sweldo. Yung pera sa wallet ko, sakto na lang panggastos ko para sa mga susunod na araw.

Nag-away na naman sila. Parang bagong mag-asawa. Hindi pa sanay sa isa’t isa. Hindi na ako nagsalita. Pagkatapos kong kumain, pumasok ako ng kwarto ko at nagmuni muni. Lungkot na lungkot ako. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hindi ko na maalala kung may naisip ba ko nung mga oras na yun. Ang alam ko lang, malungkot ako. Sobrang lungkot. Nalulungkot yata ako dahil wala akong maibigay. Ang sakit tanggapin na may trabaho ako pero parang hindi ako nakakatulong.

Nagse-self pity ako. Naiisip ko na kung marami lang kaming pera baka hindi na sila mag-away. Kung mayaman na kami baka lagi na lang kaming masaya. Dahil sa pag-iisip ko ng ganun, lalo akong nalungkot. Kasi na-realize kong malayo pa kami sa pagiging mayaman.

Kinabukasan, malungkot padin ako. Hanggang sa marinig ko yung sinabi ng Pastor na nag-preach, “Panalo ka naman e, lalaban lang.” Ano daw? Lalaban lang? Paano?

"Ako ng bahala, anak." - God
“Ako nang bahala, anak.” – God

Iniisip ko kung paano ko lalabanan ang kawalan ng pera, kawalan ng pag-asa o kalungkutan. Paano ko ito mapagtatagumpayan? And then God reminded me to be still and know that He is God.

I’ve been in many hopeless situations. Yung tipong akala mo walang-wala na talaga, pero meron pa pala. Maraming beses ko ng naranasan ang kapusin sa pera, pero hindi ang magutom. Ang mawalan ng pag-asa, pero hindi ang mawalan ng pagpapala. Laging meron. Bakit? Because He is God! He can do anything! Everything!

Bago dumating ang araw na ito, hirap na hirap ako sa pagbubudget ng natitira kong pera. Halos pamasahe papasok ng office at pauwi ng bahay lang talaga yung pera ko. Yung lungkot na nararamdaman ko, nanunuot sa utak ko. Ini-inject sa akin ng kaaway na, “Hindi tapat ang Diyos mo! Pinabayaan ka na Nya.” Pero alam kong hindi yun totoo.

Hanggang sa nakita ko to,

"Wag kang matakot, Anak! Hawak kita!" - God =)
“Wag kang matakot! Hawak kita.” – God

Na-realize ko na lagi na lang tayong nagdududa kung andiyan ba ang Diyos. Kung tutugon ba Sya. Kung ipo-provide Nya ba yung mga kailangan natin. O pababayaan Nya tayong maghirap at magutom. Pero sabi sa Matthew 6:26, “Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they?”

Oo nga naman! Yung mga ibon ngang hindi naman nagtatrabaho sa bukid para may makain, hindi hinahayaan ng Diyos na magutom, ikaw pa kayang never pang na-late sa opisina? Ikaw pa kayang hindi umaabsent kahit may leave? Ikaw pa kaya na nagpapakasipag sa trabaho? Ikaw pa kayang anak Nya? Hindi ka ba higit na mas mahalaga kaysa sa mga ibon?

Maraming tao ang nalulunod, kasi natataranta. Nag-sstruggle sa tubig, imbis na kumalma. Dahil takot sila, hindi sila makapagrelax. Sabi nila, kapag daw nataranta ka sa tubig, lulubog ka. Pero kapag nag-relax ka lang, lulutang ka. At sabi sa nabasa kong tutorial how to float in water, “The first thing you have to do is believe that you can float.”

Kung kailangan mong maniwala na lulutang ka sa tubig para lumutang ka, kailangan mo ring maniwala na lulutang ka sa dagat ng problema, para lumutang ka talaga. Kung matataranta o matatakot ka, hindi ka makakapag-focus, hindi ka lulutang, baka malunod ka pa. Kailangan mong kumalma at maniwalang hawak ka ng Diyos.

Ang totoo, tulad ng bata sa larawan, hawak talaga tayo ni Lord. No matter how much we struggle, hindi tayo malulunod, kasi hawak Nya tayo. Pero kapag kumawala ka sa Kanya at harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, doon ka siguradong malulunod.

Kapag nasa dagat ka ng problema, relax! Para lumutang ka. Wag mong hayaan na lunurin ka ng mga pagsubok ng buhay. Be still, and know that He is God.

Languyan mo lang ang dagat ng problema, wag kang magpapalunod. Sabi nga sa isang kanta, “What doesn’t kill you makes you stronger.” 😛

Believe that you can float! Anumang uri ng tubig (problema) yan! 😀